IBAAN, Batangas - May mga tama ng bala sa katawan ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway na sakop ng Ibaan, Batangas.

Sa report ni PO3 Reynaldo Dusal, dakong 6:00 ng umaga noong Nobyembre 30 nang matagpuan ang bangkay sa kanang bahagi ng north bound.

Bukod sa may tama ng bala, nakagapos ng kawad ang mga kamay ng biktima.

Kinikilala pa ang bangkay na may taas na 5’6”, nasa edad 30-35, maputi at may mga tattoo na Melai, Xia at isda sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May narekober na mga basyo ng bala ng .45 caliber pistol sa lugar ng krimen.