Tinatayang aabot sa P10 milyon ang halaga ng nasunog sa isang modernong poultry farm sa Isabela, kahapon.

Halos tatlong oras tumagal ang sunog sa manukan ni Dr. Romeo Go, ng Barangay Del Pilar, Alicia, Isabela.

Ayon kay FO2 Noel Duncan, ng Alicia-Bureau of Fire Protection (BFP), tumulong ang mga bombero mula sa Angadanan at Cauayan City at mga fire brigade volunteer para maapula ang sunog.

Natukoy sa pagsisiyasat na nagsimula ang sunog sa mga sako at plastic na nasa loob ng manukan.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Mahigit 13,000 oversized na manok na ibebenta na sana ang nalitson sa sunog at naabo maging ang gusaling kinalalagyan ng mga ito.