TANAUAN CITY, Batangas – Nasunog ang isang bahay kubo habang isang ginang at dalawa niyang anak na babae ang mahimbing na natutulog sa loob nito noong gabi ng Nobyembre 29 sa Barangay Bagbag sa lungsod na ito.

Sa updated report sa Batangas Police Provincial Office, na pinamumunuan ni Senior Supt. Omega Jireh Deocares Fidel, nabatid na ang nasabing kubo ay tirahan ni Jennalyn S. Petargue, at ng mga anak niyang sina Sophia Angela, 3; at Rea Jean, dalawang taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ni FO2 Vispo LV, ng Bureau of Fire Protection-Tanauan City, nagsimula ang sunog nang mahulog ang gasera mula sa altar at mabilis na kumalat ang apoy.

Nagising sa matinding init, agad na dinampot ng ginang si Sophia at inilabas ng bahay, pero nang babalikan na niya ang bunso ay gumuho na ang bubungan ng kubo sa paslit. (Vicky Florendo)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20