Tatanggap ng 13 month bonus ang may 1.9 milyong pensioner ng Social Security System (SSS) ngayong Disyembre.

Nabatid sa SSS a umaabot sa P6 bilyon pondo ang ipalalabas sa susunod na buwan ng ahensiya para sa mga pensioner na bahagi ng kanilang taunang tradisyon simula 1998.

Ang 13th month pension ay katumbas ng isang buwan nilang pension pero hindi kasama dito ang career’s allowance para sa mga disability pensioner.

Tatanggap din ng 13th month pension ang mga bata na tumatanggap ng dependent’s pension.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang average monthly pension ngayon ng mga pensioner ay P3,157.