Iniutos ng Malacañang sa Department of Energy (DoE) na hindi masasamantala ng mga oil companies ang paglilipat ng kanilang mga oil depot upang magtaas ng kanilang presyo sa mga produktong petrolyo.

Una nang sinabi ni Energy Sec. Jericho Petilla na siguradong tataas ang presyo ng oil products dahil sa delivery cost lalo kung magmumula pa sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila ang supply ng langis.

Pinaplantsa na ang paglipat ng oil depot ng Petron sa Cavite habang sa Batangas inaasahang ililipat ang oil depot ng Shell.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, dapat na isalang-alang ng pamahalaan ang kapakanan ng sambayanan. At kung magkaroon man ng paggalaw sa presyo ng langis dahil sa paglilipat ng oil depot mula Pandacan ay dapat maging makatwiran ang pagtataas sa presyo nito.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ipinag-utos ng Korte Suprema ang tuluyang paglipat ng oil depot dahil sa dala nitong panganib sa mamamayang nakapaligid.