Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Arena)

8a.m. UST vs. Ateneo (m)

10 a.m. NU vs. La Salle (m)

2 p.m. FEU vs. Ateneo

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

4 p.m. NU vs. UP

Ikatlong sunod na panalo na magpapakatatag sa kanilang pagkakaluklok sa solong pamumuno ang tatangkain ng defending champion Ateneo de Manila University (ADMU) sa pagpapatuloy ngayon ng UAAP women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos magtala ng dalawang sunod na straight sets win sa kanilang mga katunggali, inaasahang mapapalaban nang husto ngayon ang Lady Eagles na ginagabayan ni Thai coach Anusorn Bundit kontra sa FEU Lady Tamaraws na hangad naman ang kanilang ikalawang dikit na panalo matapos magwagi sa una nilang laro kontra sa University of the Philippines (UP) noong nakaraang Sabado, 25-14, 26-24, 25-20.

“Siguro magawa lang namin ‘yung mga ginagawa namin sa practice at manatili kaming focus every game, malaki ‘yung chance namin,” pahayag ni Ateneo skipper at reigning league MVP Alyssa Valdez.

Muli, si Valdez, kasama ang iba pa nilang mga beterano na sina Amy Ahomiro, Ella de Jesus, Michelle Morente, libero Denden Lazaro, setter Julia Morado at katulong ang impresibong rookie na si Bea de Leon, ang aasahan ni coach Thai para pangunahan ang koponan.

Sa kabilang dako, sisikapin naman ng Lady Tamaraws na mapatatag ang kanilang depensa lalo na ang kanilang floor defense sa kanilang pakikipagduwelo sa Lady Eagles.

“Iyon talaga ang kailangan naming paghandaan, kailangan makapagexecute kami ng maayos sa aming depensa lalo na sa floor defense,” ayon kay FEU coach Shaq delos Santos na itinuturing na pinakamatinding pagsubok para sa kanyang koponan ang pagsalang na ito kontra sa Lady Eagles.

Inaasahan para manguna sa Lady Tams sina Bernadette Pons, Charlemagne Simborio, Remy Joy Palma, Toni Rose Basas, libero Cristine Agno, setter Yna Papa at Geneveve Casugod.

Samantala, sa unang laro, maguunahan namang makapagtala ng panalo ang dalawang winless teams na National University (NU) Lady Bulldogs at University of the Philippines (UP) Lady Maroons sa kanilang pagtutuos sa ganap na 2:00 ng hapon matapos ang unang dalawang laro sa men’s division.

Natalo sa unang dalawa nilang laro ang NU sa kamay ng Ateneo at La Salle habang nabigo naman ang UP sa FEU.