Isabelle Daza

HANGGANG sa huling araw niya sa Eat Bulaga ay may mga pumipigil kay Isabelle Daza sa gagawin niyang paglipat sa ABS-CBN.

Ayon sa spy namin ay may mga kumausap sa aktres/TV host na ipagpaliban muna ang desisyong pagpapalit ng network.

Pero nakapagdesisyon na ang kampo ni Isabelle ilang linggo na ang nakararaan bago pa man siya tuluyang nagpaalam sa Eat Bulaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya nga, kahit masakit daw ay kailangang magpaalam na siya sa Siyete at siyempre sa napamahal sa kanyang dabarkads niya sa programa nila.

Days before paalaman, habang nagho-host pa si Isabelle sa EB ay may mga nagpasaring pa na hinding-hindi raw iiwanan ni Isabelle ang Siyete at lalung-lalo na ang Eat Bulaga na nagbigay ng magandang exposure sa kanya bilang TV host.

Bago pa naman pumutok ang balitang paglipat niya ay naibulong na sa amin ng spy namin sa ABS-CBN insider na lilisanin na ni Isabelle ang Siyete at pipirma na siya ng eksklusibong kontrata sa Kapamilya network. Sinulat namin ang naturang scoop dito.

Pero marami ang hindi naniwala.

Isa sa programang gagawin ni Isabelle sa Dos ay ang bagong drama series ng Dreamscape na pinamagatang Nathaniel.

Sabi ng source namin sa production, kakaiba ang papel na gagampanan ni Isabelle na magpapalutang ng kahusayan niya sa drama.

Knowing Dreamscape Entertainment, siguradong winner na naman ang teleseryeng ito.

Makakasama niya sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao.

Kaya, kumbaga, bago pa ang paghahabol ng Siyete kay Isabelle ay nakaplantsa na ang role sa sasamahan niyang serye at naghihintay lang ang kampo niya ng tamang panahon para sa pormal na pagpapaalam sa Kapuso Network.