Nobyembre 22, 1574 nang madiskubre ng Spanish navigator na si Juan Fernandez (1536-1604) ang Robinson Crusoe Island sa Chile. Nabuo ang isla mula sa mga pagsabog ng bulkan.

Ang isla ay nagsilbing piitan ng mga bayani noong panahon ng unang panunungkulan ni Carlos Ibañez del Campo, at nang matapos ang Battle of Rancagua noong 1814. Ito rin ang naging inspirasyon ni Daniel Defoe sa nobela niyang Robinson Crusoe, na inilathala noong Abril 1719.

Taong 1935 nang ang isla ay idineklarang National Park ng Chilean authorities, at noong 1977, idineklara naman itong World Biosphere Reserve ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization.

Matatagpuan mahigit 600 kilometro mula sa Chilean mainland, nakatira sa isla ang 630 katao.
National

Bilang ng mga pro-Marcos, tumaas; bumaba naman ang mga pro-Duterte – OCTA