Hindi na natapos ng isang 25-anyos lalaki ang kanyang pagkain matapos siyang barilin sa ulo habang naghahapunan sa isang sari-sari store, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Alex Gansing, may asawa, walang trabaho, tubong Maguindanao, at residente ng Baseco Compound, Port Area.

Mabilis namang nakatakas ang di pa kilalang suspek, matapos ang krimen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Batay sa ulat ni SPO1 Rommel Del Rosario ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 6:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa isang maliit na tindahan sa tapat ng Manila Day Care Center sa Block 17-A Baseco Compound.