Ipinagpaliban ng Third Division ng Sandiganbayan noong Huwebes ang arraignment ni dating Makati City Mayor Elenita Binay at lima pang kapwa akusado sa kasong graft at malversation kaugnay sa overpriced na pagbili ng mga kagamitan sa ospital mahigit isang dekada na ang nakalipas.

Kaugnay nito, iniutos ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, chairman ng Third Division, ang pagpapatuloy ng proceedings sa Enero 29, 2015.

Nagpasya ang Third Division na kanselahin ang pagbabasa ng sakdal noong Huwebes dahil sa nakabimbing mosyon ng mga babasahan ng sakdal.

Sinabi ng abogado ni Binay na si Atty. Juan Carlos Mendoza na balak ng dating Makati City mayor na maghain ng motion for reconsideration sa resolusyon ng Sandiganbayan na may petsang Nobyembre 14 na ibinasura ang kanyang apela na suspendihin ang mga pagdinig. Binigyan ng korte si Mendoza ng limang araw para maghain ng motion for reconsideration.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ilan sa mga akusado ay mayrooon ding pending motions to quash sa Third Division.