Sabay-sabay na nagsagawa ang iba’t ibang kilusang manggagawa ng mass walkout kahapon upang igiit ang P16,000 minimum wage para sa mga empleyado mula sa pribado at pampublikong sektor.

Sa isang kalatas, sinabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na naging matagumpay ang isinagawang “National Walkout” protest sa labas ng kani-kanilang tanggapan sa Metro Manila, Baguio City, San Pablo City at Calamba sa Laguna, Iloilo City, Bacolod City, Cebu City, Davao City at Cotabato City.

Ayon sa grupo, napapanahon na upang mabigyan ang mga manggagawa ng Family Living Wage (FLW) base sa rekomendasyon ng Ibon Foundation bunsod ng patuloy ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. - Samuel P. Medenilla
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente