Malaking bagay sa administrasyon Aquino ang ipaalam sa taumbayan ang plano nitong rehabilitasyon sa mga lugar na giniba ng delubyong Yolanda. Ayon kay czar rehabilitasyon Ping Lacson, mayroon nang master plan ito. Sa taong 2015, wika niya, 80.3 blyong piso ang pondong kailangan para sa rehablitasyon at sa 2016, 35 bilyong piso naman. Ang bahagi ng foreign aid aniya ay hindi bigay kundi pautang. Mayroon daw ipinangakong tulong na hanggang ngayon ay hindi pa dumarating.

Magandang naririnig natin kahit paano ang tungkol sa mga ibinigay na tulong sa ating ng mga ibang bansa. Kasi, isang taon na ang nakararaan eh halos hindi pa bumabangon ang mga nasalanta. Animo’y pabara-bara lang ang paglunas sa trahedya. Kaya, napagtutunan tuloy ng pansin ang tulong mula sa ibang bansa. Bakit hanggang sa ganito pa lang kalagayan naisaayos ng gobyerno ang mga biktima gayong naiuulat na napakalaki ang natanggap nitong tulong sa labas? Lumabas tuloy na may mga pondong pumasok na hindi kayang kwentahin na ni Pangulong Noynoy dahil aniya nagdaan ang mga ito sa mga NGO.

Bagamat atrasado si Pangulong Noynoy sa pagbuo ng grupong mamahala ng rehablitasyon, malaking tulong din naman ito sa kanya at sa pagkakahirang niya kay Lacson bilang pinuno nito. Ang gulo sanang sisira sa planong rehabilatasyon ay nasawata niya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang gulong ito ay dulot ng hindi magandang pulitika nina Pangulong Noynoy at Alkalde Alfred Romualdez na hindi maiwaksi ng Pangulo kahit sa panahong kailangan niya ang pakikiisa ng mamamayan lalo na iyong kanilang mga pinuno.

Layunin ni Romualdez na palakihin ito para pahiyain ang Pangulo kasi ang dahilan niya hindi raw inaabot ng tulong ng gobyerno ang kanyang lugar. Natigil si Romualdez nang harapin siya ni Lacson at ipamukha sa kanya na may malaking pondong naibigay na sa kanya ang gobyerno at ang mga taong nagra-rally laban kay PNoy ay tinutulungan at ginagastusan niya. Mahirap bungguin ang kredibilidad at ebidensiya ni Lacson.