Pinanindigan ng Arellano University (AU) at San Sebastian College (SSC) ang kanilang pre-season billing bilang title contenders sa women’s division nang humanay sila sa liderato kasama ang defending champion University of Perpetual Help sa pagpapatuloy kahapon ng NCAA Season 90 volleyball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nagpakita ng balanseng opensa ang Lady Chiefs, ang nakaraang season runner-up sa kanilang pagwalis sa nakatunggaling Lyceum of the Philippines University (LPU) Lady Pirates, 25-14, 25-17, 25-16.

Umiskor ng tig-8 puntos sina Elaine Sagun, Menchie Tubiera, Danna Henson at Cristine Joy Rosario habang nagdagdag naman ng 6 puntos si Shirley Salamagos para pamunuan ang Arellano sa pagmartsa tungo sa ikalawa nilang sunod na panalo.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, nanguna sa Lady Pirates na bumaba sa ikalawang sunod na pagkabigo si Czarina Pauline Orros na umiskor ng 9 puntos.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gaya naman ng inaasahan, pinangunahan ng kanilang team skipper at beteranang hitter na si Gretchel Soltones ang Lady Stags sa pagwalis sa San Beda College (SBC) Red Lionesses, 25-22, 25-20, 25-9.

Nagposte si Soltones ng 19 puntos na kinabibilangan ng 15 hits at 4 aces habang nakakuha naman siya ng sapat na suporta mula sa rookie na si Nikka Dalisay na tumapos na may 15 puntos.

Hindi naman nakapagpakita ng impresibong laro sina Brandy Kramer, George Domingo at Debbie Dultra na nagtala lamang ng tig-5 puntos.

Una rito, nagwagi rin ang Arellano Chiefs kontra sa Lyceum Pirates sa loob din ng tatlong sets, 25-21, 25-20, 25-17.