Malapit na magtapos ang taon, at malamang isa ka sa nakararami na nagbabalak gumawa ng New Year’s Resolutions. At malamang din na kasama sa New Year’s Resolutions mo ang pag-aalis ng bad habits.
Noong nakaraang taon, sa panahong ganito, nagnanais kang baguhin ang ilan sa iyong pag-uugali. Siguro, nais mong bawasan ang iyong paninigarilyo, o titigilan mo na ang kakakain ng junk food, o iiwasan mo nang magpuyat. Ang lahat ng ito ay nagpapahiwatig na nais mong magkaroon ng mas masayang pamumuhay sa susunod na taon.
May nakapagsabi: “Karamihan sa atin ay wala ang kahandaang alisin ang bad habits. Marami silang dahilan at kung magsalita sila ay parang mga biktima lang.”
Hindi nakatutulong ang kaawaan ang sarili. Hindi mo makakamit ang tagumpay kung negative thinker ka. Kapag nagdadahilan ka na lang na hindi ka magtatagumpay sa binabalak mong pagbabago, para ka nang nasa kumunoy at unti-unti kang lumulubog. Habang pumapalag ka, lalong mahirap makaahon sa kumunoy. Paano ba aalisin ang bad habits? Narito ang ilang mungkahi:
Isulat mo ang iyong bad habits. – Hindi mo kailangang kumuha ng papel o notebook. Gamitin mo ang notepad feature ng iyong cellphone para lagi mong tangan, lagi mong maaalala. Maaari ka namang mag-download ng libreng notepad app mula sa Google Play. Tiyakin mong nakasulat doon ang lahat ng bad habit mo. Hindi lang iyon nagpapakita kung gaano ka kaseryoso sa pag-aalis ng bad habits sa iyong sistema kundi lagi mo iyon matututukan. Isulat mo ang mga ugali mong nagpapabagal ng iyong pag-unlad, ang nagpapapangit sa iyong pagkatao, mga negatibong bagay na nakaaapekto sa iyong buhay. May mga habit na madaling harapin kaysa iba. May mga habit na kailangang alisin agad, halimbawa ang paninigarilyo. Kailangang alisin mo ang habit na iyon sa lalong madaling panahon dahil sisirahin niyon ang iyong katawan, at malamang maging sanhi pa ng iyong maagang kamatayan. Ang pagkakalat mo sa iyong mesa ay hindi naman nangangailangan ng agarang lunas; maaari mo itong atupagin kahit anong oras.
Sundan bukas.