Hiniling ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang umano’y kuwestiyonableng transaksiyon na pinasok ng pamunuan ng Boy Scout of the Philippines (BSP) kaugnay ng property na idinonate sa kanila ng gobyerno sa Ermita, malapit sa Manila City Hall.

Personal na nagtungo sa DoJ si Manuel Tee, kasapi ng BSP, kasama si Dante Jimenez, founding chairman ng VACC, para idulog ang kanilang hiling. Si Tee ang nagbunyag ng maanomalyang kasunduan na ipinasok ng kanilang grupo sa Empire East.

Ayon kay Jimenez, nais nilang imbestigahan ng DoJ at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pamunuan ng BSP kabilang si Vice President Jejomar Binay na tumatayong national president ng BSP.

Ang kinukuwestiyong transaksiyon ng VACC ay may kinalaman sa ginawang pag-apruba ng Malacañang sa joint venture agreement na pinasok ng BSP sa Empire East para sa pagtatayo ng 16-palapag na Sun Trust Condominium building sa isang ektaryang lupain na isang donation ng pamahalaan sa BSP.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nabatid na ang lote na idinonate ng gobyerno sa BSP ay nailipat sa Empire East matapos nitong bayaran ang BSP ng P18 milyon.

Duda ang mga complainant kung paano nailipat ang lote nang walang pag-apruba mula sa gobyerno.