Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)

2 pm -- Cignal vs Generika (W)

4 pm -- Mane ‘N Tail vs Foton (W)

6 pm -- Cavite vs Bench-Systema (M)

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Matapos tahiin ang pinakamata ng isang karayom sa kanilang mga nagdaang encounter, muling makikipagtagpo ang Mane ‘N Tail sa napakadelikadong Foton na ang layunin ay manatiling nasa kontensiyon ng 2014 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na iprinisinta ng Asics sa Cuneta Astrodome ngayon.

Magsisimula ang bakbakan sa ganap na alas-4:00 ng hapon matapos ang sagupaan ng Cignal at Generika sa ganap na alas-2:00 ng hapon sa women’s division para sa prestihiyosong inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core at sa pakikipagtulungan ng Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Sa men’s side sa torneong ito na kinalinga rin ng Solar Sports bilang official broadcast partner, aasintahin ng Bench-Systema ni actor-sportsman Richard Gomez ang kanilang unang pagwawagi sa kanilang pakikipagharap sa Cavite sa ganap na alas-6:00 ng gabi.

Pinamumunuan ng lovely combo nina Alaina Bergsma at Erica Adachi, nanatili ang Petron sa unahan sa women’s team standings na taglay ang markang 5-0 (win-loss) slate habang Cignal at RC Cola-Air Force ay pumuwesto sa ikalawa at ikatlong spots na nagtala ng 3-1 at 3-2 cards, ayon sa pagkakasunod, sa pagtatapos ng unang round ng eliminations.

Ngunit posibleng magbago pa ito lalo pa at ang Mane ‘N Tail ay nagsisimula nang magningas.

“We’re slowly picking our momentum,” saad ni Mane ‘N Tail coach Francis Vicente matapos na isalansan ang masterful 25-22, 25-15, 25-21 conquest sa Generika sa kanilang nakaraang laro.

“The chemistry among my imports and locals is now getting fluid. They are now playing like one solid unit, unlike in our first few games where everybody relied on the imports and only about two or three players worked on defense.”

Samantala, ang pinagsamang chemistry at teamwork ng Lady Stallions ay minamataan na sa pagsabak sa Foton, patuloy na gutom sa laro, kung saan ay humantong pa sa klasikong five-set duel ang kanilang paghaharap, 25-22, 17-25, 22-25, 25-18, 15-6, na pinagwagian ng una.

Bagamat kinailangan ng Tornadoes ang panalo matapos ang limang mga laro, maagap na nakakuha sila ng respeto sa liga sanhi ng kanilang “heart-stopping, fast and furious brand of game” na nagdala sa kanilang bilang isa sa pinakasasabikang koponan sa kapaligiran ng local volleyball.

Pawang may karapatan sina local hitters Ivy Remulla, Dzi Gervacio at setter Rubie de Leon na makapagtala ng malalaking numero habang inaasahan sina Russian imports Irina at Elena Tarasova na magbato ng depensibong blanket sa Mane ‘N Tail kontra kay import Kristy Jaeckel, pinangunahan ang Tornadoes na taglay ang league-high 40 points sa kanilang nakaraang laban.

“They gave us a hard time in our first meeting, so we know what Foton is capable of,” pahayag ni Vicente. “This team is not a lightweight. It is capable of coming up with an upset so we have to be extra careful.”

Inaasahan din na magiging balikatan ang pagtatagpo ng Cignal at Generika sa unang laro.

Sariwa pa mula sa straight-set demolition ng Foton, pinaniniwalaan ang HD Spikers na ibabato ang lahat ng kanilang bigat kontra sa Life Savers, patuloy din na gumagaralgal at ‘di masilip ang kanilang ritmo upang makakuha ng bentahe sa offensive end.

“We have to take advantage of their weaknesses if we want to go far,” saad ni Cignal coach Sammy Acaylar, muling kukuha ng lakas sa kanyang American imports na sina Lindsay Stalzer at Sarah Ammerman at maging sa local hitters na sina Royse Tubino, Michiku Castaneda at Aby Praca.