Ni JOSEPH JUBELAG

GENERAL SANTOS CITY – Pinutol ng selosang misis ang ari ng kanyang asawa habang natutulog ito sa Buluan, Maguindanao nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang hindi na pinangalanang mister sa kanyang misis matapos komprontahin ng huli ang asawa kaugnay ng pakikipagrelasyon umano sa ibang babae.

Dahil sa kalasingan, agad na nakatulog ang biktima matapos makipagtalo sa asawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero habang nahihimbing ang mister, kinuha ng misis ang kitchen knife at pinutol ang ari ng kanyang asawa.

Dinala sa ospital sa Koronadal City sa South Cotabato ang biktima pero hindi na nagawang ibalik ang naputol niyang ari.

Ayon sa salaysay ng misis sa pulisya, hindi na niya matiis ang ginagawang pambababae ng kanyang asawa kaya nagawa niya ang krimen.