Tatlong sundalo ang sugatan matapos ang pag-atake ng pinaniniwalaang remnant ng New People’s Army (NPA) ang detachment sa Barangay Bugbuga, Sta. Cruz, Ilocos Sur, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga sugatan na sina Private Rey Bajar, Sam Garote at Jasep Bayugan na ginagamot sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Sinabi ni Lt. Col. Jason Bajet, commanding officer ng 81st Infantry Batallion, nangyari ang sagupaan bandang 8:30 ng gabi noong Lunes.

Ayon kay Bajet, nais lamang iparamdam ng mga rebelde na may puwersa pa sila kaya nagsagawa ng pag-atake sa Army detachment.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi naman ni Chief Insp. Simon Damolkis, hepe ng Sta. Cruz Police Station, na bago ang pangyayari ay may natatanggap silang report na may mga nakikitang rebelde sa lugar na kanyang mga nasasakupan.