14_09_2013_008_052_013

NAGKAKASUNUD-SUNOD yata ang mga problema ni Charice Pempengco.

Tinanggal niya bilang manager niya si Glenn Aldueza na pumalit noon sa dating manager din niyang si Grace Mendoza. Ang bagong manager ni Charice ngayon ay

si Courtney Blooding.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dating road manager at personal assistant ni Charice si Courtney na siya nang nagaasikaso sa bookings at iba pang showbiz commitments niya.

Ayon sa kumalat na usapusapan sa showbiz, may kinalaman daw sa pera ang wala sa panahong pagtanggal ni Charice kay Glenn.

Isa sa mga natuklasan ni Charice ay ang hindi raw pagremit ng dating manager sa payment sa memorial lot na kinuha ng international singer para sa kanyang namayapang ama sa Cabuyao, Laguna.

Sa tweet ni Charice, ipinaalam niya sa lahat na tinanggal na niya bilang manager si Glenn Aldueza.

“Hello everyone, just letting you know that Mr. Glenn Aldueza is no longer my manager. My apologies to all the people who have been trying to contact the management and getting no answers.

“We are going to announce my new management/team/website/projects as soon as possible and I am very excited about it,” banggit pa rin ni Charice Pempengco.

Isa lang ito sa mga problema sa kampo ni Charice na ayon sa showbiz observers ay palatandaan ng “trouble in paradise”.