Nasawi ang isang binatilyo makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad siya sa paghahanap ng makakainan ng lugaw sa Malabon City, noong Linggo ng hatinggabi.

Dead on the spot si Jericho Prano, 16, ng No. 115 Manapat Street sa Barangay Tanong, sanhi ng tama ng dalawang bala ng .45 caliber pistol.

Kaagad namang tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Sa report ni PO3 Jun Belbes, bandang 12:15 ng hatinggabi nang mangyari ang pagpatay sa binatilyo sa Adante Street ng nasabing barangay.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang motibo sa pagpatay sa binatilyo.