Tatlong hinihinalang tulak ang patay nang manlaban sa pulisya sa buy-bust operation nito sa Barangay Fatima, General Santos, North Cotabato noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng General Santos City Police Office (GSCPO) ang mga napatay na sina Jolie Bustamante, 40; Lloyd Besta, 30; at Ron Panes, 48, makaraang makipagbarilan sa awtoridad sa Zone 3, Barangay Fatima, ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Chief Insp. Lauro Espida, hepe ng Fatima Police Station, napatay ang mga suspek makaraang manlaban sa mga tauhan ng Regional Special Investigation and Detection Team (RSDIT) na nagsagawa ng buy-bust operation.

Nagtamo ng tama sa mga ulo at katawan ang tatlong suspek na idineklarang dead-on-arrival sa General Santos Hospital. Wala naman nasaktan sa mga pulis.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nasamsam ng mga pulis mula sa mga suspek ang siyam na sachet ng shabu, basyo ng bala ng .45 caliber at isang granada.