Mga laro bukas:

(FilOil Flying V Arena)

12:45 p.m. – IEM vs Systema (for title-M)

2:45 p.m. – Army vs Cagayan (for title-W)

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Bumalikwas ang PLDT Home Telpad sa kanilang kabiguan sa fourth-set at dinikdik ang Meralco sa decider set para maitala ang 25- 20, 26-28, 25-20, 19-25, 15-8 panalo at ganap na makopo ang third place trophy sa women’s division ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City noong Huwebes ng hapon.

Nagtala ang dating league MVP na si Suzanne Roces ng game high 23 puntos habang nagambag naman ng 17 puntos si Gretchel Soltones para pamunuan ang nasabing pagwalis ng Turbo Boosters sa kanilang best-of-3 series.

Ngunit kung natapos na ang labanan para sa ikatlong puwesto sa kababaihan, nakuha namang makahirit ng winner-take-all ng Rizal Technological University (RTU) sa kalalakihan nang bawian nila ang Far Eastern University (FEU), 36-34, 25-19, 25-22 sa kanilang serye.

“Para kasi silang pressured maglaro sa unang game, kaya sabi ko sa kanila magrelax lang,” pahayag ni RTU coach George Pascua na nagkataon namang dating head coach ng FEU.

Ngunit kung magagawang walisin ng Systema ang kanilang best-of-3 finals series ng Instituto Estetico Manila bukas, tatanghalin nang third placer ang RTU dahil sa mas mataas na quotient.

Subalit kung makakahirit din ng Game Three ang IEM, magkakaroon ng dalawang laro sa kalalakihan sa Martes, ayon na rin sa organizer ng liga na Sports Vision.

Nanguna para sa Meralco, na nabigo sa ikaapat na sunod na pagkakataon ngayong conference sa PLDT, sina Stephanie Mercado at Abby Maranon na nagtala ng 21 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Para naman sa Blue Thunders, pinangunahan nina Jaidal Abdul, Carlo Sebastian at Sabtal Abdul ang kanilang panalo sa ipinosteng 15, 13 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang tumapos namang top scorer para sa Tamaraws si Greg Dolor na may 14 puntos.