Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng mga produktong pang-Noche Buena kaya walang dahilan para magtaas ng presyo ang mga negosyante at hindi ito apektado ng truck ban at port congestion.

Unang inihayag ng mga importer na tataas nang doble hanggang triple ang presyo ng mga bilihin bago mag-Pasko dahil sa suliranin sa port congestion na nagiging sanhi ng pagkaantala ng produksyon at delivery ng mga produkto.

Noong Huwebes, inilabas ng DTI ang suggested retail price (SRP) ng mga Noche Buena item sa mga grocery store bilang gabay ng mga mamimili sa kanilang Christmas shopping.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente