MULING pinatunayan ng ABS-CBN ang pagiging responsableng media organization na nagsusulong ng magagandang asal sa mga manonood sa hinakot nitong 15 parangal sa 36th Catholic Mass Media Awards (CMMA) kamakailan.

Nagwagi ng siyam na parangal ang ABS-CBN sa kategorya ng telebisyon kabilang na ang Best Station ID para sa Masayang Muli Ang Kuwento ng Summer, Best TV Special para Yolanda, Best Public Service Program para sa Failon Ngayon, Best Children and Youth Program para Matanglawin, Best Drama Series para sa Be Careful With My Heart, at Best Talk Show para sa Up Close and Personal: A Korina Sanchez Interview ng ABS-CBN News Channel (ANC).

Kinilala naman sa pamamagitan ng special citations ang Honesto at My Little Juan para sa Best Drama Series at MagTV Na Ato Ni ng ABS-CBN’s Northern Mindanao para sa Best Entertainment Program.

Nag-uwi rin ang DZMM, AM radio station ng ABS-CBN, ng mga tropeo. Panalo bilang Best News Commentary ang Pasada Sais Trenta, at itinanghal namang Best Educational Program ang Red Alert na nagtuturo ng safety tips kontra sakuna. Ginawaran din ng special citation sa Best Educational Program category ang Sa Bukiran na gumagabay sa mga nais magnegosyo sa agrikultura.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ginawaran din ang Kapamilya Network ng parangal sa kategorya ng musika para sa Christmas station ID nito noong 2013 na Magkasama Tayo sa Kuwento ng Pagbangon na kinilala bilang Best Music Video. Ang kantang ito na ipinrodyus ng Star Recording, Inc. ay nagbigay-pugay sa pagkakabuklud-buklod at hindi natitinag na pag-asa ng mga Pilipino sa panahon ng kalamidad.

Napanalunan naman ng international film ng Star Cinema na Alagwa, tampok sina Jericho Rosales at Bugoy Cariño, ang Students’ Choice for Best Film.

Tumanggap din ang ABS-CBN Creative Communications Management ng special citation sa Best TV Ad–Public Service category para sa promotional material nitong “After the Storm.”

Ang CMMA ay inoorganisa ng Archdiocese ng Manila at iginagawad sa media --- mapatelebisyon, radyo, pelikula, musika, advertising, o press --- na hinuhubog ang kagandahangasal ng mga Pilipino sa pamamagitan ng propesyunal na paggamit ng mass media at pagpapalaganap ng Christian values.