WASHINGTON (AFP) – Naglabas ang commander ng US Navy SEALs ng mabigat na paalala sa mga hukbo na lumabag sa banal na tradisyon ng secrecy and humility ng elite force sa pamamagitan ng paglalathala ng mga talambuhay at pagsasalita sa media.

Ilang araw matapos ianunsiyo ng Fox News network na maglalabas ito ng dokumentaryo ng isang commando na sinasabing siya ang bumaril kay Osama bin Laden, lumiham si Rear Admiral Brian Losey, ang pinuno ng Naval Special Warfare Command, sa kanyang mga hukbo at kinokondena ang sinumang naghahangad ng katanyagan at kayamanan sa pamamagitan ng pagbubunyag ng mga sekretong misyon.

“A critical tenet of our Ethos is ‘I do not advertise the nature of my work, nor seek recognition for my actions,’” sulat ni Losey at ng top enlisted sailor na si Force Master Chief Michael Magaraci sa isang liham, na nakuha ng AFP noong Lunes.

“We do not abide wilful or selfish disregard for our core values in return for public notoriety and financial gain, which only diminishes otherwise honorable service, courage and sacrifice,” saad sa liham noong Oktubre 31.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang istriktong code of humble anonymity ay kumakatawan sa “life-long commitment and obligation” at ang mga lumalabag dito ay hindi na teammates “in good standing,” ayon dito.

Nagbabala ang commander sa liham na “we will actively seek judicial consequence for members who wilfully violate the law” sa pagbubunyag ng mga classified information.