Himalang nakaligtas ang isang laborer nang makuryente sa bubong ng gusali sa pinagtatrabahuhang kumpanya sa Quezon City kamakalawa.

Base sa report, kinilala ang nakaligtas na biktima na si Jerson Nonoy, 21, stay–in worker sa No. 26 C&C Bldg. sa Mindanao Ave. Quezon City.

Ay nakaratay ngayon si Nonoy sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong matinding sunog sa katawan.

Lumitaw sa imbestigation, dakong 2:00 ng hapon, nagkakamada ng mga bakal ang biktima si Nonoy sa bubong ng gusali ng naturang kumpanya nang aksidenteng madikit ito sa kable ng kuryente.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dahil malakas ang boltahe ng kuryente, halos natusta ang biktima bago tumilapon sa bubungan ng isang gusali.