Julia Montes

PAHINGA muna si Julia Montes sa teleserye habang pinaghahandaan niya ang gagawing pelikula with Gerald Anderson.

Bagong tambalan, bagong chemistry ang susubukan ng Star Cinema for Julia and Gerald at talagang kakaiba dahil horror-romance film ang movie project nila kasama si JC de Vera.

“Suspense and romantic (movie) po siya. So, iisipin mo kung paano hahadlangan (at) kung ano ang hahadlang sa amin,” sey ni Julia.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

On Gerald as bagong leading man niya, sabi ng young actress, “Okay naman po. Masarap katrabaho at first time ko rin po siyang makakatrabaho as love team.”

Identified kasi si Julia kay Coco Martin bilang kanyang leading man dahil bumilang na ng ilang teleserye ang kanilang tambalan (huli ang Ikaw Lamang), kaya malaking pressure sa dalaga kung tatanggapin ng kani-kaniyang supporters ang romance-horror movie nila.

“Medyo... siyempre kinakapa ko pa rin. Siyempre first time kami magkakatrabaho nina J saka nina Gerald, so iba ‘yung kilala mo na ‘yung katrabaho mo. Pero ngayon okay naman, nakailang shooting days na rin kami,” kuwento ni Julia.