NAGPAKADALUBHASA ● Sa ating kasaysayaan, magugunitang naglakbay ang ating Pambansang Bayani sa si Dr. Jose Rizal sa ibayong dagat upang mag-aral, ang linangin ang sarili at nagpakadalubhasa sa maraming larangan. Pagkalipas ng ilang taon, nagbalik-bayan siya upang paglingkuran nang buong husay ang kanyang mga kababayan. Ganoon din ang ginawa ni Dr. Joseph Adrian L. Buensalido, dalubhasa sa nakahahawang sakit mula Wayne State University/Detroit Medical Center sa Michigan, at isang balik-scientist ng Department of Science and Technology (DOST), para paglingkuran ang kanyang mga kababayan partikular na ang mga pasyente sa Philipppine General Hospital.

“It is truly great to be back, but the reality is our home country is still a work in progress,” pahayag ni Dr. Buensalido nang tanggapin ang pagkilala ng DOST sa Balik-Scientist program. “Like Rizal, we are experts in our respective fields. Many of us worked and trained abroad, giving us added perspective in our fields of expertise and in general how it is and how things are done in other countries,” dagdag Dr. Buensalido. Kasabay nito, hinimok ni DOST Secretary Mario G. Montejo, ang ating mga kababayan, lalo ang mga scientist na nasa ibang bansa na makibahagi sa ‘Balik-puso, balik-‘Pinas’ at umagapay sa komunidad at matulungan ang mamamayan na maging kapaki-pakinabang sa bayan.

ANG GALING MO ● Totoo nga ang sinabi ni Dr. Rizal, na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Nasa maaga at matuwid na pagpapanday ng kanilang mga magulang at mga guro ang magiging pundasyon ng buong pagkatao ng kabataan. Kaya dito angat ang kabataan ng Bulacan na nagpakita ng kakayahan sa idinaos na Provincial Children’s Congress kamakailan. Nagpaligsahan sa iba’t ibang larangan ng talino ang kabataan na idinaos sa Hiyas ng Bulacan Convention Center bilang bahagi ng isang buwang pagdiriwang ng 22nd National Children’s Month, na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan. Kaugnay ng temang “Batak, Kasali Ka, Ikaw ay Mahalaga”, lumutang ang galing ng kabataang taga-Bulacan sa larangan ng Solo Singing Contest, Drawing Competition, Poem Reciting Competition at Folk Dancing Competition. Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado na palaging nakasuporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa Council for the Welfare of Childrensa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga bata sa pag-unlad ng bansa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon