Binalot ng tensiyon sa pagdaraos ng Undas sa Manila North Cemetery (MNC) kahapon ng madaling araw matapos na tutukan ng patalim at i-hostage ng isang lalaki ng kutsilyo ang kanyang apo na babae.

Arestado ang suspek na si Jun Gonzales, 56, makaraang i-hostage ang sariling 12-anyos na apo, na hindi na pinangalanan sa ulat ng pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 4:00 ng madaling araw, nagtitinda ng mga tsitsirya sa loob ng sementeryo ang suspek nang bigla itong magsisigaw na may papatay sa kanya.

Matapos ang ilang sandali, dumampot ng kutsilyo ang suspek at tinangay ang kanyang sariling apo bilang hostage.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hinala ng mga kaanak ng suspek na nakaranas ito ng nervous breakdown dahil sa matinding puyat sa pagtitinda.

Mabilis namang nakaresponde ang mga pulis at rescue team na nagresulta sa pagkakasagip sa 12-anyos na biktima at pagkakaaresto kay Gonzales matapos ang 15 minuto na hostage drama.