Sugatan ang isang driver nang magliyab ang minamanehong bus sa northbound lane ng EDSA-Roxas Boulevard tapat ng Heritage Hotel sa Pasay City kahapon ng umaga.

Nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang driver na si Ronald Domingo makaraang tangkain nitong apulahin ang apoy sa minamanehong Valisno Express Bus TXU-210 dakong 7:00 ng umaga sa EDSA-Pasay Rotonda.

Ayon kay Domingo, nakarinig siya ng isang malakas ng putok mula sa likod ng bus bago niya napansin na nasusunog na ang sasakyan kasabay ng pagkaripas ng mga pasahero.

Gumamit pa umano ng fire extinguisher si Domingo subalit nasunog ang kamay nito.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Hindi naman nakaapekto sa trapiko ang insidente dahil agad naman naialis ang nasunog na bus sa lugar. Posible umanong short circuit ang sanhi ng insidente, ayon sa pulisya.