Dalawang hindi pa kilalang carnapper ang napatay makaraang makipagbarilan sa pulisya na nagmamando ng isang checkpoint sa Imus, Cavite kahapon ng umaga.

Tinangkang pahintuin ng isang police team ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa checkpoint sa Imus, Cavite dakong 4:00 ng madaling araw.

Subalit sa halip na huminto, hindi umano pinansin ng mga suspek ang mga tauhan ng Imus Police Station na nagmamando ng checkpoint.

At nang hahabulin na ng mga pulis ang dalawa ay pinaputukan umano ang mga ito kaya napilitan gumanti ang awtoridad.

Sa barilan, agad na tinamaan ang dalawang suspek.

Sen. Ping, pinayuhan publiko na isuplong oil companies na mananamantala ng presyo!

Hinala ng pulisya na mga holdaper ang kanilang napatay habang ang motorsiklong kanilang gamit ay nakaw din.