LIPA CITY, Batangas - Patay ang konduktor ng bus at isang pasahero matapos sumalpok ang sinasakyan nila sa isang truck sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa bahagi ng Lipa City, Batangas.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), namatay sa pagamutan sina Arniel Diaz, konduktor; at Jade Anthony Dimalibot, 18 anyos.

Bandang 11:00 ng gabi noong Oktubre 30 nang sumalpok ang Dimple Bus (TYS-454) na minamaneho ni Lorenzo Caringal sa Fuzo truck (RMB-486) na minamaneho ni Rodel Guno.

Mahigit 40 namang pasahero ang nasugatan at ginagamot sa Mary Mediatrix Hospital.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race