PAMBANSANG Araw ngayon ng Turkmenistan.

Isang bansa sa Central Asia, ang Turkmenistan ay nasa hangganan ng Afghanistan sa timogsilangan, Iran sa timog-kanluran, Uzbekistan sa hilaga-silangan, Kazakhstan sa hilaga-kanluran, at Caspian Sea sa silangan. Ang Ashgabat ang pinakamalaking lungsod at kapital ng Turkmenistan.

Taglay ng Turkmenistan ang ikaapat sa pinakamalalaking reserve ng natural gas sa daigdig at may malaking oil resources. Ang naturang bansa ay net exporter din ng electrical power sa mga bansa sa Central Asia. Sa agrikultura nito, bulak ang itinatanim sa kalahati ng irrigated land ng naturang bansa, at ito ang ikasampung pinakamalaking producer nito. Sa loob ng maraming taon, napanatili ng bansa ang kanilang mataas na Gross Domestic Product growth rate na nasa 10.2% noong 2013.

Ang karamihan sa mga mamamayan ng Turkmenistan ay mga ethnic Turkmen na Islam ang relihiyon ng nakararami, malaki rin ang minoryang Uzbek, Persian, at Russian. Ang mas maliit na mga minorya ay kinabibilangan ng Kazakhs, Azeris, Balochis, Armenians, Koreans, at Tatars. Ang populasyon ng bansa ay mahigit 5.1 miyon. Opisyal na wika ang Turkmen, na salita ng mahigit 72% ng populasyon, sinundan ng Russian (12%) at Uzbek (9%).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Turkmenistan sa pangunguna ni Pangulong Grubanguly Berdimuhammedow, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.