PUSPUSAN at mahigpit na talaga ang ginagawang pag-iingat at pagbabantay ng Department of Health para hindi makapasok sa ating bansa ang Ebola virus. Mahirap na nga namang masalisihan tayo at mabulaga kung makapuslit dito ang sakit na iyan.

Ang Ebola virus ay isang uri ng nakamamatay na organismo na sa kasalukuyan ay nananalanta sa West Africa. Ito po ay isang virus na kung tawagin nga ay Ebola na kapag kinapitan ka ay malamang kaysa hindi ay, oorder ka ng ataul. Sa West Africa may 9,000 nang dinapuan nito at diumano ay may 4,500 mahigit na ang natitigok. Ang dinapuan ng virus na ito ay parang napeste, kung baga sa manok. Sa mga namatay nito na inililibing ay wala ng nakikipaglibing. Sapagkat kapag nakipaglibing ka, kinabukasan ay baka ikaw naman ang ilibing. Ganyan po katindi ang virus na ito.

Ang mga health center natin ay wala kang maaasahan. Magtae ka lamang dito at pumunta ka sa health center ay baka matuluyan ka na. Meron ngang doktor, wala namang gamot. Ang ibibigay sa mga nagpapatingin ay reseta. Malulunok ba ng mga yagit na mga maysakit ang reseta? Puwede bang pakuluan ang reseta at ang pinakuluan ang inumin? Kaya sa kamahalan ng gamot dito at ang pagpapagamot, maraming mahirap ang “nagsisimba na lamang ng may bulak sa ilong”.

Tama ang ginagawa ng DOH na paghihigpit sa mga nagsisidatingan na OFW lalo na yaong mga galing sa West Africa. Sa dami ng mga Pinoy OFW na nakakalat sa buong mundo, talagang kung hindi tayo maghihigpit ay baka dalawin tayo ng Ebola.

<b>Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina</b>

Hindi bale sana kung ang darapuan ng virus na ito ay ang ilang senador at kongresista natin na nagpasasa sa DAP at PDAP na mula sa salapi ng bayan. Kahit paano ay mababawasan ang mga kawatan sa gobyerno na nangaka-Barong. Pero kung ang dadapuan nito ay ang mga matitinong Pinoy, iyong mga Pinoy na namumuhay ng marangal, kawawa naman