Naaresto ng mga awtoridad ang suspek na pumatay sa isang call center agent kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Iniharap kay Northern Police District (NPD) Director Chief Supt. Jonathan Ferdinand Miano ang suspek na si Felix Salut, construction worker, ng No. 1164 Lirio Street, Camarin Area A, Barangay 175 ng nasabing lungsod.

Si Salut ang itinuturong suspek sa pagpatay kay Norman Mercado, 28, call center agent, naninirahan sa Unit 10, Block 8, Lot 46, Gumamela Street, Metrocor Subdivision, Barangay 177, Caloocan City, noong Setyembre 20, bandang 11:00 ng gabi.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nakilala si Salut sa ipinakitang larawan sa Caloocan City Police Station, North Extension Office (NEO) ni Norberto Mercado, ama ng biktima, na kinuha niya sa Facebook account ng anak. Nakuha sa suspek ang cell phone ni Norman na nawawala ng gabing patayin ito.