MARYSVILLE, Washington (AP) – Kalmadong pumasok ang isang binatilyo sa cafeteria ng pinapasukan niyang high school sa Seattle noong Biyernes at walang sabi-sabi ay biglang namaril, na ikinamatay ng isang tao at ikinasugat naman ng ilang natamaan sa ulo bago nagbaril din siya sa sarili, ayon sa awtoridad at mga saksi.

Ayon sa mga estudyante, nakatitig sa kanila ang suspek at kapwa estudyanteng si Jaylen Fryberg nang magbaril ito sa sarili sa loob ng cafeteria ng Marysville-Pilchuck High School.

Nangangapa pa ang pulisya sa motibo ni Fryberg na inilarawan ng kanyang mga kamag-aral na masayahin at popular, pero sa nakalipas na mga araw ay nagpapahaging sa Twitter tungkol sa hindi tinukoy na problema.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20