Nahihirapan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maabot ang puntirya nitong koleksyon sa buwis para sa kasalukuyang taon.

Idinahilan ni BIR Commissioner Kim Henares, ang paghina ng government spending na mas mababa kaysa sa inaasahan kayat bitin pa ng 7.46 porsiyento o P7 billyon ang kanilang target collection.

Kabilang aniya sa dahilan nito ang usapin sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dahilan ng pagkatigil ng ilang proyekto ng pamahalaan.

Gayunman, gumagawa na aniya sila ng hakbang upang mapaigting pa ang pangongolekta ng buwis upang maabot ang puntiryang koleksyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isa sa pinagkukunan nila ng malaking koleksyon ang sin taxes, lalo na ang buwis sa sigarilyo.