Isa sa mga itinuturing na most wanted sa Maynila ang nadakip ng mga elemento ng Manila Police District (MPD)-Station 7 nang mamataan itong umuwi sa kanyang tahanan sa Tondo, Manila nitong Lunes ng gabi.

Nakadetine ngayon sa MPD-Station 7 ang suspek na si Emerson Rodriguez, 23, residente ng 1973 Daang-Bakal, Dagupan Street, Tondo, Manila, na isinasangkot sa iba’t ibang krimen, tulad ng robbery-hold-up.

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa kanilang tahanan sa bisa ng dalawang Warrant of Arrest na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court branch 29 at 18.
National

PBBM, pinahahanap student athletes na nag-wacky ng mukha sa speech niya