PITBULL

NEW YORK (AP) — Ang platinum-selling rapper na si Pitbull ang magiging host ng American Music Awards 2014.

Magtatanghal din siya sa Nokia Theatre L.A. Live na mapapanood sa ABC sa Nobyembre 23, ayon sa dick clark production noong Lunes.

Sa Nobyembre 27, si Pitbull ay dadalo naman sa Thanksgiving Day at maghahandog ng ilang kanta para sa laban ng Dallas Cowboys sa Philadelpia Eagles. Ito ay magaganap sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas, at maieere sa Fox.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Samantala, si Iggy Azalea ang nangunguna sa nominasyon sa AMAs kabilang sina John Legend, Katy Perry at Pharrell Williams na siyang may tig-limang boto.

Sila ang mga nominado para sa artist of the year, kabilang sina Beyonce, Luke Bryan, Eminem, Imagine Dragons at One Direction.