KUALA LUMPUR, Malaysia (AP)— Sinabi ni opposition leader Anwar Ibrahim na inaasahan na niyang ibabasura ng mataas na korte sa Malaysia ang kanyang huling apela laban sa sodomy conviction sa susunod na linggo at ipapadala siya sa kulungan sa ikalawang pagkakataon sa loob ng isang deakada.

Si Anwar ay hinatulan ng limang taon sa kulungan noong Marso sa kasong sodomy ng isang lalaking tauhan matapos baligtarin ng appeals court ang naunang pagpapawalang-sala sa kanya. Diringgin ng Federal Court ang kanyang apela sa Oktubre 28-29.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza