Nagpasya ang Commission on Elections (Comelec) na pansamantalang suspindihin ang bidding para sa mga kakailanganin para sa bagong automated election system (AES) na gagamitin sa May 2016 presidential elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ito ay hanggang hindi pa kumpleto ang pinal na listahan ng requirements para sa mga nais lumahok at kinakailangan ring ikonsulta ito sa Comelec Advisory Council.

Target ng poll body na mailabas ang buong listahan ng mga bidding requirements sa Oktubre 27.

Aabot sa 40 optical mark reader (OMR) units ang kakailanganin ng Comelec para sa darating na halalan. Ang OMR ang ikalawang sistema na gagamitin para sa halalan 2016, kasama ang precinct count optical machines na ginamit noong 2010 at 2013 polls.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente