Daan-daang demonstrador ang nagmartsa sa Kamara upang batikusin ang joint resolution na magbibigay ng emergency power kay Pangulong Aquino at pagpasa sa 2015 national budget.

Ang mga demonstrador ay kinabibilangan ng mga magsasaka at maralitang grupo na miyembro ng Sanlakas, Buklurang ng Manggagawang Pilipino, Partido Lakas ng Masa, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod at Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura.

Binatikos ng grupo ang panukalang bigyan ng emergency power si PNoy upang matugunan ang nakaambang krisis sa kuryente sa 2015.

Subalit hanggang ngayon, sinabi ng mga raliyista na hindi pa rin matiyak ng mga opisyal ng gobyerno kung tunay ngang may nakaambang power crisis o wala.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi rin magkasundo ang mga ahensiya ng gobyerno sa mga solusyon sa pinangangambahang power crisis kapag isinara ang Malampaya power plant sa 2015 upang sumailalim sa maintenance repair.

Sinabi ni Atty. Aaron Pedrosa ng Sanlakas na ang hinihiling ng Pangulong Aquino na emergency power ay walang basehan.

Aniya, ang plano ng gobyerno ay umarkila ng mga power barge at diesel generation set na may contract price na P14 bilyon sa two-year lease. - Chito Chavez