Magiging isang malaking trahedya para sa Pilipinas kung pinugutan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf ang dalawang bihag nilang German sa loob ng anim na buwan sa kabundukan ng Sulu. Kung napugutan nga ang dalawang ito, kasalo na natin sa matinding pagbatikos at pagkondena ang Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) na namugot kamakailan sa dalawang peryodistang Amerikano at isang British aid worker.

Ang dalawang German, na sina Dr. Viktor Okonek at Henrike Dielen, ay lulan ng kanilang yate patungo sa Sabah, Malaysia nang sunggaban sila ng Abu Sayyaf sa Palawan noong Abril. Nag-deploy ang Armed Forces ng 1,200 sundalo sa Sulu at naghanda ng opensiba. Samantala, nagpadala si German Foreign Minister Frank-Walter Steinmeier ng isang special envoy sa Pilipinas upang makipagnegosasyon sa Abu Sayyaf na humihingi ng P250 milyong random at paghinto ng suporta ng Germany sa mga air strike sa ISIS sa Iraq at Syria.

Noong 2001, nagkaroon ng kaparehong operasyon ang Abu Sayyaf, na may kaugnayan non sa al-Qaeda, dinukot ang isang misyunerong Amerikano at asawa nito, kasama ang 18 iba pa, sa Palawan din, at dinala sila sa Basilan kung saan nanatili silang bihag sa loob ng isang taon. Umanib ang mga tropang Amerikano sa military rescu operation ngunit napatay ang misyunerong si Martin Burnham. Nakaligtas ang maybahay niyang si Gracia Burnham at sumulat ng kanyang karanasan sa aklat na pinamagatang “In the Presence of My Enemies”.

Ang Abu Sayyaf ang isa sa pinakaaktibong armadong mga grupo sa Mindanao. Matapos magtagumpay ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa pagtamo ng autonomy para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), isang breakaway group, ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), ang nagpatuloy ng mga operasyon nito at nalalapit nang matamo ang pagtatatag ng Bangsamoro Political Entity.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ngunit ibang armadong grupo na nagsusulputan. Mayroong isang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na nakipagbakbakan sa mga tropa matapos ipahayag ng gobyerno ang kasunduan nito sa MILF. At habang daan, waring malaya sa kahit na anong ugnayan sa mga pangunahing Islamic group, ang MILF at ang MNLF.

Sinabi na nagpapatuloy ang Abu Sayyaf sa paghawak ng iba pang banyagang bihag, kabilang ang isang Malaysian fish breeder, isang Japanese treasure hunter, at dalawang European wildlife photographer. Idineklara nito ang kanilang suporta sa ISIS, at nagbabantang pupugutan nila ang kanilang mga bihag.

Ang pagsulpot ng mga armadong grupo na dumarami sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, na parang independiyente sa isa’t isa, ay nagbabadya ng isang problema para sa pambansang pamahalaan. Nagawa nitong makipag-ugnayan sa MNLF at ngayon sa MILF, ngunit paano naman sa Abu Sayyaf? At sa iba pang grupo na – kung pagbabatayan ang kasaysayan – ay magsusulputan sa Mindanao?