TUNIS (AFP)— Bumoto ang mga Tunisian noong Linggo para maghalal ng kanilang unang parliament simula nang rebolusyon ng bansa noong 2011, sa bibihirang pagsilip ng pag-asa sa rehiyong hinati ng karahasan at panunupil matapos ang Arab Spring.
Matapos ang tatlong linggo ng tahimik na kampanya, mahigit limang milyong botante ang bumoto ng 217 deputy mula sa Islamist Ennahda movement – ang pinakamalaking partido sa bansa – at mga kalabang secular group.
Tinamasa ng Tunisia ang mas matatag na bansa simula nang mga pagaaklas sa rehiyon noong 2011 kumpara sa kawalan ng batas sa Libya at Yemen, military takeover sa Egypt at madugong civil war ng Syria.