SA isa sa mga bayan ng Rizal kapag sumapit na ang Oktubre, masaya, makahulugan at makulay nilang ginaganap ang Octoberfest. Sa pangnguna ni Binangonan Mayor Boyet Ynares, ayon kay Gng. Mitz Colada, municipal admnistrator ng Binangonan, ang Octoberfest ay tinatampukan ng iba’t ibang aktibidad. Inihudyat ang simula nito ng art exhibit ng pamunuan at mg miyembro ng Bigkis-Sining, isang samahan ng mga pintor sa Binangonan. Ginanap mula Oktubre 6 hanggang Oktubre 12 sa event center ng SM City Taytay. Itinampok ang mga likhang-sining ng mga tradisyon at kultura sa Binangonan. Kasabay ng art exhibit ang display ng mga produkto ng proyektong pangkabuhayan ng Boyet Ynares Ladies Movement (BYLM) tulad ng iba’t ibang kandila at mga wood carving.

Ginanap naman nitong Oktubre 10 sa Ynares Plaza ang Binagonan Singing Sensation and Dance Competition. Nang sumunod na araw, Oktubre 11 ay ang masaya at makulay na Inter-School Cultural Competition ng mga mag-aaral sa public at private elementary school sa Binangonan.Kinabukasan naman ay itinampok ang Binangonan Talent Search Dance Competition na ang mga lumahok naman ay mga estudyante sa public at private high school. Ang mga nagwagi sa nasabing mga competition ay lumahok sa grand finals noong gabi ng Oktubre 18 sa Ultimate Dance Icon at Singing Sensation Sinundan ito noong gabi ng Oktubre 19 ng Suffersireyna pageant na ang mga kalahok ay ang mga gay sa iba’t bang barangay ng Binangonan.Marami sa mga kalahok na gay, dahil sa maganda nilang ayos at bihis ay mapagkakamalang mga dalaga At ngayong Oktubre 20, tampok naman ang masayang musical extravaganza ng mga kilalang mag-aawit sa bansa at sa Binangonan.

Ang pinakatampok sa Octoberfest sa Binangonan ay ang isang Misa ng Pasasalamat bukas ng umaga, Oktubre 21 sa simbahan ng Binangonan. Bahagi ito ng pagdiriwang ng kapustahan ng Binangonan at ni Sta. Ursula, ang patroness ng Binangonan. Kasunod nito ang masaya at makulay na Pagoda o fluvial procession sa Laguna de Bay sa bahaging sakop ng Binangonan. Kalahok sa fluvial procession, sakay ng mga bangkang demotor ay ang mga mangingisda, kabataan, si Mayor Boyet Ynares, mga propesyonal, miyembro ng Sangguniang Bayan, mga opisyal ng barangay at iba pang may panata at debosyon kay Sta. Ursula.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya