Oktubre 19, 2007 nang binulabog ng isang pagsabog ang Glorietta 2 sa Makati City dakong 1:25 ng hapon, na ikinasawi ng siyam katao at 126 na iba pa ang nasugatan.
Sa pagsabog ay nasira ang mga bubong at pader. Sa ulat ng pulisya kay noon ay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, isang bomba ang natagpuan nila sa lugar. Gayunman, sinabi ng pulisya kalaunan na gas cylinder ang nagdulot ng pagsabog.
Dahil dito, inakyat ng pulisya sa pinakamataas ang alert level at nagpakalat ng 2,000 tauhan upang maiwasang maulit ang insidente.
Enero 2011 nang sa opisyal na ulat ng Department of Justice (DOJ) ay inihayag nitong ang pagsabog ay sanhi ng methane gas at hindi bomba. Pinabulaanan din nito ang sinabi ni retired Col. Allan Sollano ng Explosives Ordinance Division ng Philippine Army na bomba ang sanhi ng pagsabog.