NEW ORLEANS (AP)- Nagposte si Anthony Davis ng 28 puntos at 8 rebounds upang pamunuan ang New Orleans Pelicans sa 120-86 victory kontra sa Oklahoma City Thunder sa preseason game kahapon.

Hindi kailanman napag-iwanan ang New Orleans (3-2) at ginamit ang 10-0 run sa kaagahan ng unang quarter upang itatag ang 21-6 lead. Tumapos si Tyreke Evans, naisakatuparan ang kanyang preseason debut, na mayroong 10 puntos sa 20 minutong paglalaro.

Napinsala ng 6-foot-6, 220-pounds na si Evans ang kanyang right hamstring sa huling bahagi ng Setyembre at siya’y inisyal na pinagpahinga sa loob ng tatlo hanggang limang linggo.

Wala naman sa hanay ng Thunder sina starters Kevin Durant, Kendrick Perkins at Serge Ibaka na pawing nagtamo ng injuries habang ‘di nakapaglaro sina Russell Westbrook at Reggie Jackson upang pansamantalang makapagpahinga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nanguna si Jeremy Lamb sa Oklahoma City (2-2) sa naitalang 20 puntos.

Nag-ambag si Ryan Anderson ng 17 puntos habang nagsalansan si Jrue Holiday ng 14 puntos sa New Orleans.

Hindi pinaglaro si Pelicans guard Eric Gordon sanhi ng inirereklamo nitong lower back spasms.

WARRIORS 104 NUGGETS 101

DES MOINES, Iowa (AP)- Umiskor si James Michael McAdoo ng 16 sa kanyang 20 puntos sa fourth quarter kung saan ay naghabol muna ang Warriors bago binigo ang Nuggets, 104-101, kahapon, bukod pa sa naiposte ng koponan ang kanilang ikaapat sunod na panalo.

Nagsalansan si Golden State’s Klay Thompson ng 18 puntos sa unang NBA exhibition game sa Des Moines makaraan pa noong 1997.

Umungos ang Nuggets sa 13 patungo sa ikaapat na quarter. Ngunit muling kinuha ng Warriors (4-0) ang kalamangan, 100-99, matapos ang 3-pointer ni Jason Kapono sa nalalabing 1:47 sa orasan, habang isinelyo ni Harrison Barnes ang panalo mula sa kanyang jumper, may nalalabing 6.8 segundo na lamang sa korte.

Nagtarak sina Wilson Chandler at Timofey Mozgov ng tig-18 puntos para sa Denver (1-4), sumadsad sa kanilang ikatatlong sunod na pagkatalo.

Ang laro ang nagmarka sa pagbabalik ni Barnes sa kanyang native Iowa. Tumapos ito na may 5 puntos.