Heart-Marian-copy

ISANG kaibigang may konek sa GMA-7 ang nagbalita sa amin na pinagalitan ng isang executive ng network sina Heart Evangelista at Marian Rivera na nagbabangayan pa rin hanggang ngayon.

Ayon sa source namin, kahit pinagsabihan na raw kasi ang dalawang alaga ng Kapuso Network ay panay pa rin ang patalbugan ng mga ito sa kani-kanilang Instagram photos. Kung ano ang meron si Heart, hindi puwedeng magpatalo na lang basta ang kampo ni Marian.

Dagdag pa ng source, kung natutuwa dati ang management dahil pinag-uusapan nang husto ang nalalapit na pagpapakasal ng kanilang contract stars, naaalarma na ang kanilang top execs na nararamdamang hindi na healthy ang competition na namamagitan kina Heart and Marian. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa totoo lang daw, hindi naman dapat pang magpatalbugan ang dalawa dahil alam naman ng buong showbiz na wala na silang dapat patunayan sa isa’t isa. 

“Pansinin n’yo parang may bridal war na nangyayari sa dalawa.

Walang nagpapatalo sa pagpo-post ng mga kung anik-anik na mga gagamitin nila sa kasal at pati na ‘yung mga mamahaling bags at mga isusuot nilang gown, eh, pinagpipistahan sa social media,” sey pa ng spy namin sa Siyete. 

Pero obserbasyon pa ng source, wala talagang magpapatalo kina Marian at Heart. Kaya ‘pag nag-post ang isa, tiyak na may ipo-post naman ‘yung isa pa.

Pati sa pagtulong sa ating mga kababayan ay nagpapatalbugan ang dalawa. Unang nag-announce si Marian na binibigyan niya ng pagpapahalaga ang mga kabataang may bingot, at bigla namang nagkaroon ng pagpapahalaga sa mga batang may kapansanan si Heart.

In fairness, naramdaman ng mga kababayan namin sa Bantayan, Cebu na naging biktima ng bagyong ‘Yolanda’ ang malasakit ni Marian Rivera.

Hanggang ngayon ay panay ang pahatid pasasalamat nila sa GMA-7 Primetime Queen sa tulong na personal pang iniabot sa kanila ng dalaga.