Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Masskara Festival sa lungsod ng Bacolod, nakatakdang magdaos ng isang charity game ang mga piling collegiate basketball stars ng Metro Manila at kilalang showbiz personalities.

Tinaguriang “Hoops for Hope,” ang benefit game ay inihahadog ng MJM production ni Edgar Mangahas na gaganapin sa University of St. La Salle Gym.

Ang lahat ng kikitain ng nasabing basketball game ay ipagkakaloob sa kanilang benipisyaryo na Kasadya Foundation Inc.

Tampok sa nasabing exhibition game ang collegiate stars na sina UAAP MVP Kiefer Ravena ng Ateneo de Manila, Gelo Alolino ng National University, Mike Tolomia at Mac Belo ng Far Eastern University, Paolo Javelona at Glenn Khobuntin ng NU, Roi Sumang ng University of the East at Jonathan Grey ng Collegfe of St. Benilde.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makakatunggali naman nila ang celebrities na sina Enrique Gil, Gerald Anderson, JC de Vera, Rayver Cruz, Young JV, Dominic Roque at Matt Evans ngayon sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Samantala, tatayo namang head coaches ng dalawang koponan ang mga dating Ginebra stars na sina Jayvee Gayoso at Vince Hizon.