Patuloy sa pagbulusok ang approval at trust ratings ni Vice President Jejomar Binay sanhi ng mga isyu sa diumano ay overpriced na Makati City Parking 2 Building. Bukod dito, nabunyag din sa pagdinig sa Blue Ribbon sub-committee ang kanyang 350 ektaryang hacienda sa Rosario, Batangas. Malayo pa ang 2016 presidential elections pero katakut-takot na sabuyan na ng putik, paninira at intriga ang nagsisilutang sa bansang ang pulitika ay inaalmusal, tinatanghalian at hinahapunan!

Maging ang binatang Pangulo ay hindi nakaligtas sa mga survey sapagkat maraming Pinoy ang nagsasabing bigo siyang matupad ang pangako tungkol sa Tuwid na Daan at pagbaka sa kurapsiyon. Isipin natin, si PNoy ay anti-corruption pero si VP Binay naman na kaibigan ng Aquino Family ay akusado sa sangkaterbang katiwalian. Papaano ito ngayon?

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Lumilitaw na 36 porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwalang nabigo si PNoy na taluntunin ang Tuwid na Daan o ang kanyang anti-corruption slogan at Kung Walang corrupt, walang Mahirap, samantalang 29 porsiyento ang naniniwala sa kanya.

Matatandaan na nangunguna noong 2010 si ex-Sen. Manny Villar sa panguluhan hanggang dumating si PNoy. Siniraan daw nina JPE, Pareng Erap at ex-Sen Jamby Madrigal si Villar tungkol sa paggamit ng kanyang P200-milyon PDAF sa konstruksiyon ng daan na ang makikinabang ay kanyang negosyo. Bagsak si Villar kahit hindi naman siya nagnakaw kumpara sa akusasyon ngayon kay Binay.

Sa Manila Bulletin ganito ang headline: "Binay down but still up." Sa PhilStar ay: "SWS: Binay rating falls, but still top performer." Samakatwid, batay sa mga survey, bagamat bumaba ang ratings ni Rambotito, este VP Binay, nananatiling mataas pa rin siya sa hanay ng mga pinuno ng gobyerno, at dito ay kabilang si Pangulong Noynoy.

By the way, ang same sex marriage ay halos imposibleng tanggapin o aprubahan sa Pinas. Katolikong bansa at naniniwala sa Diyos ang mga Pilipino. Ang kasal ay sagradong sakramento na para lamang sa isang tunay na lalaki at isang tunay na babae. Hindi ito puwede sa dalawang bakla at dalawang tomboy.